Monday, August 1, 2011

Nasyonalismo at ang Puso mo.

Hindi ko alam kung maituturing bang karumal-dumal na karanasan ang sa ami'y kamakailan lamang na nangyari. 

Halos mag-aalas nwebe na ng gabi ng makumpleto ang aming grupong hayok na hayok na sa pagkain na kahit siguro'y isang buong buhay na manok ay kayang kayang lamunin ng hindi pinapatawad kahit ang bahaging ipinangalan sa isang brand ng sapatos. Dahil nararamdaman namin na kami'y sosyal (affluent kumbaga) noong gabing yaon, napagpasyahan naming huwag munang sugurin ang bulalo sa talipapa at sa halip ay magtungo sa isang sosyal umano na restaurant, ay hindi, cafe and diner pala, odibaaa!!. Sadyang nakaeenganyo ang air con sa panahon ngayong pati ang problema mo sa lovelife ay binabaling sa global warming.

Pagkatapos ng komprehensibong deliberasyon na daig pa ang United Nations General Assembly sa pagpapasya ay iniabot na namin ang aming order. Dahil nga cafe and diner, inihanda namin ang aming mga sarili sa magandang food presentation. Inisip ko na ang mga natutunan ko kay Giada de Laurentis at ng  Kontesang naka-paa ng bigla biglang nag-apparate ang waiter at nagsabing puso na lang ang maihahandog nila. Akala ko'y inakala nilang kami yung mga bruha sa pelikulang Stardust, o di naman kaya'y mga jugets  na naghahanap ng pagmamahal (impernes, charming si Koya.) Yun pala, wala ng plain rice at fried rice kundi  hanging rice na lamang. Aba'y napatingin kami sa paligid kasi baka kami'y pumailanlang na sa ibang yunibers kung saan ang restawrang yaon ay isang turo-turong may katakam-takam na barbekyu. Nawindang kaming lahat ngunit dahil sa gutom ay pinatulan na rin ang pusong talo pa ang Nips sa pagiging bite-sized.

 May placemat pang nalalaman ang mga ito. With matching utensils wrapped in tissue paper arranged in a table setting pa.


Naalala namin ang mga Israelita nang sinalubong nila si Jesukristo. Hindi pa naman mahal na araw subalit kapansin-pansin ang simbolo ng Palm Sunday. Kulang na lang ay iuwi namin ang mga ito at isabit sa aming pintuan.

Agosto na at Buwan ng Wikang Pambansa. Marahil ang buwan na ito ang dahilan ng pagka-Pinoy pinoy na kaning yaon. Isipin mo na lang kung ang ulam mo'y poached dory with white wine sauce at ito kanin mo:


Dahil diyan ika'y punong-puno ng pagmamahal sa iyong lupang sinilangan.(Halakhak)

Kung gusto mo'y tawagin mo siyang rice boiled in coconut fronds o rice in a coconut leaf pouch.

Sabi ng cebucentral.com: 

Nobody knows where the word puso comes from. In the Tagalog language, puso means "heart." But this puso we're talking about is food. It is pronounced as pusô. It is rice wrapped in coconut leaves shaped like a diamond. At least that's what it looks like to me.

The making of pusô is not merely clumping cooked rice in your hands and wrapping them in coconut leaves like what some people probably used to think. Truth is, the coconut leaves are first weaved into diamond shells. The master weaver then leaves a hole open. This hole is where they pour uncooked rice before sealing up the shell and putting them on a large pot filled with water and putting them over the fire. The usual way of cooking rice happens when all that is done - which is merely to wait until the water is gone and until the rice have grown and gone soft. 



Puso kayo riyan!

3 comments:

  1. makabayan ka rin pala aking kaibigan!kaibigan talaga ha?lels well sarap naman na kainan. Naalala ko tuloy ang dating chibugan sa may IIT lamang matatagpuan haha salamat sa paggamit mo nang ating linggwaheng ipinagmamalaki na akala ko mga guro lamang sa Departamento ng FIlipino ang gumagamit. Nakakatawa pero GALING! kala ko mga inhenyero di marunong mag FILIPINO:)))

    ReplyDelete
  2. Kasi Buwan ng Wika at napapansin kong matagal-tagal na rin akong di sumusulat gamit ang ating lengua franca. Maiba ako, ano bang chibugan ang tinutukoy mo?

    ReplyDelete
  3. nakalimutan ko kaibigan at akoy patawarin mo hhehehahah:)))

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails